
Sa taong ito, ang hiling ko para sa bawat Pilipino, kasali na ang aking sarili, ay lakas ng loob…
… para gawin ang matagal mo nang nais gawin.
… para ipaglaban ang nararapat na sa iyo.
… para malampasan nang buo at masmalakas pa ang mga pagsubok sa buhay.
… para mahalin ang mga taong mahal mo - sa salita at sa gawa.
… para itaas ang estado ng ating bansa, sa pamamagitan ng mabuting pagbabago sa ating mga sarili.
Maligayang Bagong Taon, Pilipinas!